Bukang Liwayway (Tula)

Julianne Angela Ermac
 10-Service


   "Bukang Liwayway"


Pilit kong binuksan ang aking mga mata,

Napakurap at nanatiling nakahiga pansamantala.

Tulalang napatitig sa kisame't napaisip sa mga ala-ala,

Nasaan na kaya sila? , Sana'y masaya na sa piling ng isa't-isa.

Kay bigat man ng dala ay pinilit ko paring bumangon,

Dala ng pagbangon ay pilit kong umahon.

Binuksan ang ilaw at napapikit sa sinag ng kahapon,

Naaalala ang tawa niyo sa telepono kasabay ng pagkawala ng sinag ng hapon.

Napatingin sa bintana nadadama ang lamig ng pasko,

Kahit mag-isa'y papaano't buo pa din ako.

Lumabas sa balkonahe't napayakap sa sarili ko,

Napatitig sa bukang liwayway kasabay ng pag-uunawa ko,

Nakangiti at sabay sabing "simula palang ito ng buhay ko".
       

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA

Tahanan (tula)