Posts

Showing posts from December, 2018
paano kung magmahal ka sa isang  taong "bawal" mahali tatanggapin mo ba syang mawala para di ka magkasala                             O handa kang magkasala wag lng syang mawala? Huwag mo nang itago,kiulala kita alam ko masaya ka pag kasama sya di mn sabihin kita ko sayong mata di mn aminin alam ko mahal mo sya. bakit masyado mung sinasaktan ang puso ko? unti unti mong pinapatay, unti unti mong dinudulog alam mong kita pero bakit tayo ganito? bakit ba kailangan may kahatiako sayo? pag ibig na ito'y pagka gulo gulo kung minsa',y baluktot minsa;y, ay wasto bulag ang katulad tila nalilito kung minsay may sakit ng pagka siphayo

Kaibigan

Kaibigan Ika'y naging matalik kong kaibigan Pero lahat biglang nagbago sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan Nandyan ako palagi sa iyong tabi Iyong balikat upang umiyak Lahat biglang nagbago sa isang iglap Nagsimula kang umalis Mas lumayo ka Ako ay nasa iyong pinakamadilim na oras Ako ay iyong nag sisilbing ilaw na gumabay sa iyong daan Ngayon nais kong ikaw nandito Sa aking oras ng pangangailangan Pinalitan mo ako Isang taong bago, Isang taong presko Ako'y nangulila sa ating pang-araw-araw na pag-uusap, Mga sekretong ating pinagsaluhan Ang koneksyon natin Ngayon lahatng mga alaala lamang HIndi mo nga maaring makita ang aking sarili na nasasaktan Maari mong makita ako ngumingiti Ngunit sa ilalim ako'y sira Ngunit ito'y "'okay" lamang. Ang mga tao'y darating at pupunta Siguro ito'y..... Paalam

Reane Tarongoy- Isang dedikasyon para sa aking minamahal na bangtan

BTS tatlong letra, isang salita ang makakadipena Isang grupong maraming tagahanga Dahil sa mga talentong taglay at ipinakita May pitong miyembrong tinitiliian Dahil sa taglay nilang kagwapuhan Si V na galing sa ibang planeta Si Jungkook na ilong 👃🏻 Lagi ang nakikita Si Suga na singputi ng harina Si Jin na mahinhin pa sa dalaga Si Rapmon na singbilis ng makina Si Jimin na pandak sa paningin nila Si Johope na kabayo daw sabi ng iba tssk Sila ang pitong miyembro ng tatlong letrang nasa simula Grupong napaka sikat buong bansa Bunga ng kanilang sipag at tiyaga Pag laan ng patak ng dugo't pawis para umangat Ngunit sa pag lipas ng panahon kayo'y hindi na uuso Kayo'y laos na sa mundong ito Kulubot na ang balat nyo Ngunit ang magandang alaala na dulot nyo ay mananatili sa aming mga mundo Kayo'y aming inspirasyon salamat sa pagganap ng parte sa aming mga puso Asahan nyo na ang ARMY ay matatag hanggang dulo Hanggang sa huling comeback na aming aabangan Ha
Bea Joahna Lao 10- Service Mga taong nagdodoble kayod para sa pamilya, Hindi ininda ang kapaguran ito'y kinakaya. Sapagkat layunin nila'y bigyan ng mabuting buhay, Ang pamilyang nagsisiksikan sa maliit na bahay. Isang kahig, isang tuka kanila'y nararanasan, Dahil mga magulang nila'y walang pinag-aralan. Paano nalang ang kinabukasan ng mga anak? Ito rin ba'y susunod sa kanila't mapapahamak? Dugo't pawis ang pumatak sa mga kamay ng musmos, At ang mga luha ng kaawaawa ay bumuhos. Hiling nila'y makaahon sa lupit ng kahirapan, Ngunit estado ng pamumuhay nila'y walang laban.
 shenna mae borbajo                                           KAHIRAPAN Suliraning kahirapan sa bayan kailan masulusyonan Ng ating bayang kinalakihan na sadlak sa kahirapan Kahirapang nadadanas ng batang nanglilimos sa daan Mga batang gutom ang tiyan at uhaw sa buhay karangyaan Buhay karangyaan na pangarap ng pamilyang nasa daan Mga batang nangarap makapag-aral para punan ang kaalaman Kaalamang natutuhan ng kabataan sa paaralan Batang kaawa-awa na walang pambayad sa paaralan Batang nakipagsapalaran dahil sa buhay kahirapan Batang inalipin sa mga taong na sadlak sa kayamanan Mayayamang madadamot at nagkukurupt ng pera sa bayan Nasaan na ang hustiya sa mga taong nahihirapan Pangarap na magandang kinabukasan sa ating mamamayan

Ma. Franceschini C. Talicug

                              Moved on                   Naka move on na ako.            Ilang beses ko na bang paulit-ulit na                         sinasabi ito sa puso ko?        Paulit-ulit, walang katapusan walang                              kapaguran.       Tinatanggi ko pa ring mahal kita kahit               alam kong totoo naman talaga.     Ilang beses ko na ba sinabing tama na?        Ilang beses ko na ba sinabing tapos na?                   Ilang beses na nga ba?                          Nakakasawa na.       Pero bakit hanggang ngayon nandito ka                                  pa rin?          Bakit parang walang pinagbago?           Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko.            Bakit?! Ano bang meron sayo?     Ano bang meron sayo na di mahanap sa                                   iba?         Ano bang meron sayo na hinahanap-                     hanap ng aking sistema?             Ano bang ginawa mo sa akin?

Tula ni Marjorie Llenado

Babaeng pinaasa mo lang  Babaeng pinaasa mo lang sinta Babaeng masaya at maganda Pero niloko at sinayang mo lang sinta  Sinta di kaba naaawa sa kaniya Ginago mo na nga pinaasa mo pa Ganyan kaba talaga kuya  Di kaba makuntento sa isa  Dapat talaga may reserba pa Kuya di kaba nakokonsensya  Isang babaeng filipina pinakawalan mo at ibinigay sa iba. Kaya ngayon kuya  Sana magsisi ka dahil iniwan mo siya  At masaya na sa iba  At kuntento sa isa  At nagmamahalan sila Kaya kuya sana maging masaya kana sa kanila Dahil parang nasa fairytale na sila Dahil may happy ending na sila Sinta sana makarma ka Dahil isang filipina ay masaya na  Na parang di ka dumaan sa buhay niya  Na parang bang wala ka lang sa kaniya  Dahil may mahal na siyang iba  At masaya na silang dalawa.

Gumawa Parin Ng Kabutihan by; Rainnila Aratea

"Gumawa Parin Ng Kabutihan" by; Rainnila Aratea Alam kong maraming tao ang palaging mabibigo sa akin at ako in ay palaging mabibigo sa kanila, ngunit ako ay natutong magtiwala sa aking nag-iisang tunay kaibigan na hindi kailanman magbabago. Si Jesu-Cristo ang tanging kaibigan na lubos kong pinagkakatiwalaan. Nakita niya ang lahat ng aking mga kabiguan at sa kabila nito ibinigay parin niya ang kanyang buhay para sa akin. Binigyan niya ako ng malinis na talaan at isang bagong pang-unawa sa buhay. Kung wala ang kanyang lakas, impossible para sa akin na maipasa ang bawat sitwasyon sa tinatawag na buhay. May mga taong katulad ng mga gulong - hindi sila gagana maliban kung sila ay hihimukin. May mga taong katulad ng mga trailers - kailangan pa silang hilahin. May mga taong katulad ng mga saranggola - palaging nasa itaas ng kasama ang hangin at kung hindi mo lalagyan ng string, lilipad sila ng napakalayo. May mga taong katulad ng mga bangka - k

Tula ni Ginalyn C. Villarojo

"Higit pa sa isang kaibigan" Alam mo bang nasaktan ako  Nung sinabi mong hanggang kaibigan lang tayo Akala ko hanggang sa huli sasamahan mo ako Pero ngayon parang nilalayo mo na ako sa puso mo Oo sinabi mo na kaibigan lang tayo Pero bakit ayaw ka pa ring bitawan ng pusong into Ako ba talaga ang tanga dito O sadyang hindi mo lang pansin ang nararamdaman ko Baliw na puso naa umiikot-ikot sa mundo mo Ah! Oo nga pala, mundong ako lang naaman ang bumuo Wala ng ibang laman ang puso kong into Kung di ikaw lang na kaibigan ko Hindi ko man matanggap ang papel na ito sa buhay mo Basta't masaya ka kahit na sa piling ng iba Gusto ko lang malaman mo na mahal kita At nandito lang ako para sa iyo, oh kaibigan ko!

"ANG PAROL SA PASKO" by Alburo, Marry Kaye

Isang papel itong ginawa ng lolo may pula, may asul, may buntot sa dulo; sa tuwing darating ang masayang Pasko ang parol na ito’y makikita ninyo. Sa aming bintana doon nakasabit kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid, at parang tao ring bago na ang bihis at sinasalubong ang paskong malamig. Kung kami’y tutungo doon sa simbahan ang parol ang aming siyang tagatanglaw, at kung gabi namang malabo ang buwan sa tapat ng parol doon ang laruan. Kung aking hudyatin tanang kalaguyo, mga kapwa bata ng pahat kong kuro, ang aming hudyatan ay mapaghuhulo: “Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.” Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon, sa bawat paghihip ng amihang simoy, iyang nakasabit na naiwang parol nariyan ang diwa noong aming ingkong. Nasa kanyang kulay ang magandang nasa, nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa, parang sinasabi ng isang matanda: “Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”

Tiwala sa sarili by: Antoniette Egot

Tiwala sa Sarili Isang pinaka importanteng ugali sa buhay, kung saan maaapektuhan tagala ang buhay, lalong lalo na sa ating mga hanapbuhay at pati narin sa hinaharap na buhay. Gagawin nga lahat ng iba diyan, gawin mo rin, kaya mo yan, kaya ito'y pangseryusohan, upang ito'y mapagtagumpayan. Kailangan nating pag-isipang mabuti dahil nakasalalay ito sa iyong sarili sapagkat sa huli lamang ang pagsisisi kaya dapat magtiwala ka sa iyong sarili.

Ating kapalaran. isang spoken word poetry by:Alexandrea A. Ife

"Ating kapalaran" Kapalaran ay ating tanggapin Tadhana ay wag kalabanin Isang buwan na ang nakaraan ng ating sabay na sinambit ang salitang paalam Hindi ko alam kung ano ang dahilan Nagkulang ba ako? Nagsobra ba ako? kaya iyong pinagsawaan sinubukan kong lumaban,pero ikaw? ayun nagpabaya lang Hanggang sa lumipas ang mga araw at buwan noong dumating sa puntong ako naman ang nakaramdam ng kapaguran at ikaw naman ang nagpupumilit lumaban "Mahal ayusin natin to" mga salotang palaging bumabagabag sa aking isipan ikaw ba ay aking pagbibigyan o hahayaan nalang ? Hanggang sa aking napagdesisyonan  na itigil na tong kalokohan Hindi ko na nais pang muling pagdaanan ang hirap at sakit na iyong pinaramdam Maaring sa mga oras na ito  tayong dalawa ay nalilito sa kaniyang mga plano ngunit mas mabuti yata kung hayaan at sabayan nalang natin ito At wag ng makipaglaban  sa takbo ng kapalaran Kapalaran ay ating tanggapin

Ang Pagwawangis at Pagtutulad ko Sayo

Tila'y isang talang di maabot-abot, Isang regalo sa paskong balot na balot. Mundong hindi mapigil sa pag-ikot  Parang bubuyog na hindi mahagip sa sobrang likot. Kasing init ng araw, Na sa aki'y nagpapauhaw,  Katangi-tanging buwan, Na nagpapaliwanag sa sansinukuban. Ikaw, na tila ba'y ipinagbawal ng langit Na akin man lang makamit. Isang nakakahabag na bahaghari, Na aking pinakamimithi, At nagbibigay ng kulay sa natatangi kong buhay. Kasing lamig ng panggabing hangin. Aking nararamdaman ngunit hindi sa paningin. Sa langit, napakaraming ulap, Nakikita ngunit hindi nayayakap. Kasing ganda ng huni ng ibong adarna. Iba't ibang emosyon sa damdamin ay nadarama. Ngunit tulad parin ng mga bituin, Sa bintanang pu-pwedeng silipin. Ngunit iisa parin ang ibig sabihin Kahit kailan ma'y hindi mapapasaakin. Ika'y aking ikinumpara, Sa mga magagandang bagay na nakikita ng aking mga mata. Dahil ito lang ang alam kong paraan Upang maipahiwatig ang aking n
"Dating Tayo" Ni: Rosalie Fernandez Ito na naman ako Babalikan ang mga alaalang ikaw ang kasama ko Masasayang sandali na ikaw ang nasa tabi ko Magagandang araw na hawak ko ang kamay mo Alam kung iisipin ng iba Na sinasaktan ko lang ang sarili ko Pero masisisi ba nila ako Kung alam kung ikaw pa rin ang mahal ko Mga ngiting abot hanggang tenga Kumikinang na mga mata Mahihigpit na yakap Pangakong sabay na tutuparin ang mga pangarap Pero hindi pala Hindi pala ako ang magpapangiti sayo na abot hanggang tenga  Hindi pala ako ang magpapakinang ng iyong mga mata Hindi pala ako ang gusto mong bigyan ng mahigpit mong yakap At hindi pala ako ang kasama mong tutuparin ang iyong mga pangarap Dahil dumating siya Siya na mas nagpasaya sayo Siya na mas naramdaman ang pagmamahal mo At ako? Wala lang pala ako sa mundo niyo Bahagi lang ako ng nakaraan mo  Na hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako Na hindi ko alam kung may halaga ba
Nag iisa sa Sarili Kong Mundo By: Angela Mae Ofianga Di ko na kaya ang mga sinasabi nila Kaya naglakad ako at biglang nawala Napagtanto kong nasa sarili kong mundo na pala ako At doon ko nakita na mas masaya pala ang buhay Kapag nakakulong ka lang sa sarili mong mundo Mga salitang binibitawan nila Umiiyak buong gabi ng mag isa Walang nag tatanong kung ‘okay lang ba’ Walang may pake kung mamamatay ka na Kaya nagkulong ako sa sarili kong mundo Doon... Doon ko nararamdaman ang tunay na saya Doon ko nararanasan na tumawa Doon ko napagtanto na hindi ako nararapat sa tunay na mundo Ang mundong puno ng mapanghusga na tao Ang mundong puno ng matang nagmamasid sayo Wala kang karapatan gumawa ng ikasasaya mo Wala kang magagawa kundi itago ang tunay mong pagkatao Wala namang problema sa pagiging mapag isa Wala namang masama doon Masyado lang tayong mapanghusga ngayon Mas masaya ang mabuhay sa sarili mong mundo Walang huhusga sa

“Tanong” by: Julie Ann G. Prak

Tanong Isinulat ni: Julie Ann G. Prak  Nahihilo, bakit puro ikot tayo?  Nawawala sa daang dati naman ay alam mo  Lumiliko, nag-aalangan ba mga hakbang mo?  Bakit parang naiba direksyon ng puso mo?  Nalilito, ano ba dapat isipin ko?  Isang tanong, dumadami at lumalabo  Nagtataka, bakit tila may nagbago?  Dapat pabang maghintay o tumigil nalamg ako?  Bumabagal, nahihirapamg tumakbo Bumibigat ang damdaming dati ay sigurado  Dapat bang bilisan upang malaman ang sagot mo?  Dahil di ko na alam kung anung meron pa tayo  Naiinip, pero patuloy na mag-aabang sa pagdatimg mo  Naghihintay ng linaw sa mga sagot mong kay labo  Nasasaktan, napapagod narin ang puso Pwede bang sabihin mo, ikaw parin ba at ako? 
        Tunay na kaibigan  By:Juliane Patrisse Borgonia 10-service (TULA ) Ang tunay na kaibigan  Kailanman ay hindi ka iiwan  Hindi man magkadugo  Pero , magkalapit ang puso  Sa tuwing nasasaktan ang isa  Nagbibigay ang buong barkada ng pag-asa Sa tuwing nagkakalayo humahanap parin ng paraan  Para ang lahat ng oras  Ay ilalaan para sa kulitan Ang tunay na kaibigan ay maasahan  Ika'y sasamahan sa anumang kagaguhan  Sa tuwing ikaw ay lumuluha sila ang makakapitan  Ang tunay na kaibigan ay mabuting impluwensya sa lahat  Kahit kailan siya rin ay matapat  Ang tunay na kaibigan hindi nagtataasan ng pride . Kundi nagtutulungan at nagkakaunawaan Kahit low at high tide  Ang tunay na kaibigan nagsasakripisyo Pero hindi gumagawa ng bisyo  Higit sa lahat ang tunay na kaibigan  Ay mapapatawad ka sa anumang kasalanan.

🌐 - Sirao Garden 📆 - October 30, 2017 ⌚ - 12:00pm

Image
🌐 - Sirao Garden 📆 - October 30, 2017 ⌚ - 12:00pm                                                       Ako lamang ang nag-iisang anak ng aking ina at ama. Ang pamumuhay namin bilang isang pamilya ay napakagulo mula sa ako ay nasa sinapupunan pa hanggang sa ako ay lumaki na. Bilang isang mag-aaral, paminsan minsan ako ay naiinggit sa aking mga kaklase, tawanan dito, gala doon at sabay pa silang mag simba kasama ang pamilya samantalang ako naghihintay kung sino ang aking makasama. Sa 1buwan hindi mawawala ang pananakit ng aking ama sa amin, wala akong magawa kung hindi iiyak lang at sa 15 taon ko na kasama ko ang aking pamilya, ako ay nasanay na sa pananakit ng aking ama. Noong isang araw ako at ang aking pamilya ay pumunta sa Sirao Garden. Ang Sirao Garden ay ang lugar na hindi ko makakalimutan, ito ay napupuno ng mga magagandang bulaklak na ang litrato na nasa ibabaw nito ang pinakaunang litrato namin bilang isang pamilya. Ang litrato ay binubuo ng matatamis na ngiti kung

Ika-tatlo ng Mayo

Ika-tatlo ng Mayo ni Chrissalyn Cañete Enero, Pebrero, Marso Mga buwan na kalungkuta'y hawak ako sa braso, Ngunit pilit kong nilabanan; Kahit gusto ko nang sukuan. Abril ng taon, Ako'y hindi parin nakabangon mula sa mapait na kahapon, Ngunit pilit akong bumangon. Ika-tatlo ng Mayo, Ang araw na tayo ay ipinagtagpo; Tayo'y ipinaglapit ng kalawakan, na para bang wala nang hangganan. Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Mga buwan na puno nang ligawan; Nag-uumapaw sa kulitan at kasiyahan. Disyembre Aba! Hindi ko akalain na ika'y mananatili; Tadhana na ewan ko ba kung ano ang plano, simula noong ika-tatlo ng Mayo. Isa, dalawa, tatlo pangako ko sa'yo na  hindi ako lalayo; at salamat dahil dumating ka sa buhay ko noong ika-tatlo ng Mayo. Salamat dahil ikaw ay nanatili, Salamat dahil ako iyong pinili, Ako'y nahulog sa'yo, simula noong ika-tatlo ng Mayo.

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA

Tigilan mo na ako Pagod na pagod na ako Ako na nasa isang dulo ng silid Ako na nawawalan ng pag asa sa gilid Tama na ayoko na Hirap na akong kalabanin ang sarili ko Na alam kung hinding hindi ako mananalo Dalawang bagay lang ang alam ko, lubid o kutsilyo Kahit ilang ilaw pa ang ipakabit sa aking kwarto Wala akong ibang nakikita kundi ang madilim at nakasaradong pinto Na kahit wasakin mo man alam kung hindi na bubukas  Dahil lunod na ako at mukhang ito na ang wakas Pinipilit ko naman para sa taong minamahal Ngunit mismong sarili ko na ang gumagwa ng bawal Masaya pa ba ako? Dahil kung oo di ko gagawin to Luluha ako na hindi alam ang dahilan Maraming iniisip at napatulala nalang sa  kawalan Ano nga ba ang pakiramdam ng nawalan? Kalungkutan ba ang nararamdaman o kasiyahan? Hindi ko na alam kung ano ba ang kasiyahan Dahil kalungkutan lang ang bumabalot sa aking katauhan Gusto kung humingi ng tulong  Ngunit di ko maisambit dahil dila k

Tanggapin mo kung ano ka! ( Kiana Avril S. Mancao)

            Tanggapin mo kung ano ka! Meron siyang balat na aakalain mong anak ng banyaga Ako parang isang taon nakadilag sa lawa Meron siyang makapal at magagandang pilikmata Ang akin mas tuwid pa sa nasagasaang lata Meron siyang maliit na beywang na maipagmamalaki mo nino Ang akin ipinagpala sa taba dahil kinakain kahit ano Meron siyang makintab at magandang buhok Ang akin parang isang bruha na nakatira sa bundok Matangkad siya na parang isang higante Ako mas maliit pa sa duwende Ang kanyang makinis na mukha na palaging nasa derma Akin napuno sa tagyawat,aakalain mong ilang taon dinedma Pero sumusumpa ako na lahat ng ito ay natural Walang halong ni katiting na kemikal Pero hindi ako naiingit, bakit? Dahil ang pagiging maganda ay hindi nasusukat sa pagiging kaakit akit. Dapat mong tanggapin kung ano ka Dapat mong tanggapin kung anong meron ka Ipagmalaki mo kung ano ka Dahil ang mga imperpeksyon ay isang regalo mula sa kanya.

TULA ni Alyssa Kenn Marañon

   "Mr. Fiction" Isinulat ni Alyssa Kenn Marañon Marami kaming humahanga sa'yo, Ba't ba iba ang mundong tinatayuan mo? Naging totoo sana ang kapangyarihan ng isang mahika, Isang paraan para kayo'y aming mayakap at makita. Sa lugar na tinatawag na imahinasyon, Kayo'y nabuhay dahil don, Kayo'y ginawang inspirasyon sa pag-aaral, Mga karakter na hindi naman katotohan. Sila'y imahinasyon lamang na binigyan ng buhay Pero iba ang saya't kilig na kanilang ibinigay. Ba't ba tayo nasasaktan? Para tayong batang naagawan ng laruan. Nakakatawa isipin, nakakalungkot tanggapin at masakit sa damdamin Na ang taong nagpapatibok sa amin Isang karakter na mababasa sa isang libro At mga karakter sa pelikula na makikita nyo. Di sinasadyang sila'y magustuhan, Di lang makontrol itong pusong sugatan. Mas mabuti pang magmahal ng isang karakter na hindi naman katotohan Kaysa sa isang totoong taong hindi k

WALA NGA PALANG TAYO

Ako yung taong umibig ngunit muling nabigo Ang galing ng tadhana no? Sadyang mapagbiro Tayong dalawa'y pinagtagpo Ngunit muli ring pinaglayo. Pinaglayo dahil hindi tayo nararapat Hindi pa nga ba sapat? Lahat binigay ko Pero anong ginawa mo? Lahat nang ito sinayang mo. Hindi mo manlang inisip yung halaga ko Kahit isang araw lang sana pinadama mo Sinabi mong MAHAL MO AKO. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko nag-iisa lang ako Nag-iisang nagmamahal sa relasyong ito Ay wala nga palang tayo Nag-assume lang talaga ko Bakit naman ksi kung kelan nahulog na ako Tsaka ka pa naglaho Nawala na parang walang nangyari Bakit ganon? Hindi ko mawari. Alam kong tanga ako Nahulog ba naman ako sa katulad mo Akalain mo? Yung taong pinanakip butas lang ako Ginawa ko siyang mundo. Ang galing mo sa mga matatamis at mabubulaklak na salita Ako naman tong si tanga nagustuhan kang bigla bakit kasi ako? Hindi ba't nananahimik ako? Bigla kang nanggulo Ginulo mo ang nananahimik kong mundo Mundo ko

Joana Jane Degino

“Paglimot mo” Sa iyong mga mata Makikita na wala akong halaga, Bawat minuto’y iniisip ka Kahit sa panaginip nandoon ka Mga alaala’y bumabalik sa tuwing ikay masilayan,  Kagandahan ko ay iyong sinayang  Hindi malimot- limot ang iyong mga sinabi  Sa akin ay nagpa iyak ng marami  Puso ko’y umaasa, Na sana naman bigyan mo ng halaga Wag mo naman akong KALIMUTAN  Dahil Hindi ako sanay MAIWAN Sayo ko lang kase nadarama ang mga ito  Dahil minsan lang ako magmahal ng totoo  At sa tao pang katulad mo Na walang paki sa nararamdaman ko Sa paglipas ng panahon Natuto akong mahinahon At unti-unting bumabangon Isang sulyap ko lang sayo’y naalala ko ang mga alaala na pilit kong ibinabaon.