Posts

Showing posts from January, 2019

Ang Mañana Student by: Rhea Jane Sumile

Ang Mañana Student May isang batang nagngangalang Yangjin ang walang ganang pumasok sa klase isang araw sapagkat alam niyang sa araw na iyon magsisipag-bigayan ng mga proyekto ang kanyang mga guro. Nagsi-pasa ng mga gawain at proyekto ang kanyang mga guro sa kadahilanang malapit na ang pasko at magbabakasyon na. Marami ang gawain ni Yangjin ngunit hindi siya nabahala sapagkat sigurado siyang sa loob ng sampung araw na bakasyon ay matatapos niya iyon. Unang araw ng bakasyon ay walang ginawa si Yangjin kundi magpahinga " May klase kahapon kaya pagod ako, hahayaan ko muna ang sarili kong makapagpahinga muna buong araw", sabi niya. Sa mga sumunod na tatlong araw ay wala pa rin siyang ibang ginawa kundi ang mag relax² lang at inaksaya ang oras sa panonood ng mga asianovelang kanyang laging pantasya. Nakalimutan na rin ni Yangjin ang kanyang mga dapat ipapasa sana sa mga nakaraang araw kaya tuloy may na late siyang project! Dalawang araw na lamang ay magpapasukan na ulit at mask

TAPOS NA HULI NA ANG LAHAT- Candice Angeline B. Arsulon Gr10Service

TAPOS NA Hindi mo na kailangan pang lumaban dahil sa totoo lang Huli na ang lahat Kapatid, Nagkakamali ka kung iniisip mong may pag-asa sa puso mong nilikha ng pagdududa. Huwag mo nang hayaan manaig ang pagibig, Dahil Kasinungalingan lamang yun higit ang kasamaan kaysa sa kabutihan ng Puso. Kayat ibasura mo na ang paniniwalang ang Diyos ay may plano para sa mundo. Dahil alam nating ikaw ang isa sa kanyang pinakamantinding pagkakamali na ang mga panlalait ng kaaway ay tunay na mas dapat pakinggan Tandaang ang mga sinabi ng Diyos ay ang balita na puro lamang kabulaanan Huwag kang maniwala sa salita Dahil ang mundo ay may ibang mensahe Totoo ang sinasabi nila hindi ka niya mahal maniwala ka sa mundo Huwag mong hayaang mabulag ka sa kasinungalingan kaibigam, Hindi ka nabubuhay dahil sa pag-ibig. Ang lahat ng mayroon ka ngayon ay bunga lamang ng inyong mga desisyon. Hindi totoong ang tagumpay mo ay                                  Dahil sa sakripisyo niya Dahil sa mga sugat ni

Wag sumuko by Stephia Romares

Napapatanong ka na rin ba sa iyong sarili? Kung bakit ikaw ay parang nangungulila at naiwakli. Nag-isip ka rin bang kitilin ang iyong sarili dahil pagod ka na at hindi mapakali? Napapasigaw ka ba sa galit at sinisi sa Panginoon ang lahat ng nangyayari? Marahil oo, dahil sa iyong pagkalungkot at pagdurusa na nadarama. Na tila para kang tinutusok at pinapahirapan ng sobra. Yung tipong ayaw mo na pero sige pa. Palaging tanong ko sa aking sarili. Bakit pa ba ako lumalaban kung wala na at alam kong talo kana? Ngunit inisip mo ba na may iba pang mas nagdurusa?  May iba pang mas sobra ang pagod na nadarama. Mga taong hindi pinagpala sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Mga taong nasa kalsada na gutom at nauuhaw. Iniisip mo ba sila? Ang pagkitil sa iyong buhay ay hindi solusyon, mas lalo ang pagsisi sa Panginoon. Siya ay nasa iyong tabi lang at nakatoon ang kanyang atensyon. Walang sawang nagpasalamat at nagbibigsy sa iyo ng proteksyon. Ano sasayangi
"MINAMAHAL KUNG INA"- SHEILA MARIE V. REMEGIO Sabi nila ang ilaw ng tahanan ay ang ina, ina na magmamahal at mag aalaga sa anak. Yung tipong isusubo nalang ibibigay pa. Yan ang paniniwala ng marami sa kanila ngunit ang paniniwala ko ay baliktad sa paniniwala ng iba. Magsisimula ako kung ba't ka nawala, nawala na para bang bula. Iniwan mo kaming pamilya mo sumama ka sa iba. Bakit nga ba? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Ang daming tanong sa isipan,mga katanungang ikaw lang ang makakasagot. Ilang birthday ko na ang lumipas ngunit wala ka pa , ilang medalya na ang sinabit ngunit nasaan ka. Ilang medalya pa ba ang dapat kong abutin para bumalik at ipagmalaki mo ako ina. Nagagalit ako pero hindi,hindi pwede kase kahit balibaliktarin mn ang mundo anak mo ako at ina parin kita. Kahit hindi ko man naranasan na alagaan ng isang ina gusto ko pa ring magpasalamat sa iyo hindi dahil iniwan mo ako kundi dahil iniluwal mo parin ako. Salamat kase