Ang Mañana Student by: Rhea Jane Sumile
Ang Mañana Student May isang batang nagngangalang Yangjin ang walang ganang pumasok sa klase isang araw sapagkat alam niyang sa araw na iyon magsisipag-bigayan ng mga proyekto ang kanyang mga guro. Nagsi-pasa ng mga gawain at proyekto ang kanyang mga guro sa kadahilanang malapit na ang pasko at magbabakasyon na. Marami ang gawain ni Yangjin ngunit hindi siya nabahala sapagkat sigurado siyang sa loob ng sampung araw na bakasyon ay matatapos niya iyon. Unang araw ng bakasyon ay walang ginawa si Yangjin kundi magpahinga " May klase kahapon kaya pagod ako, hahayaan ko muna ang sarili kong makapagpahinga muna buong araw", sabi niya. Sa mga sumunod na tatlong araw ay wala pa rin siyang ibang ginawa kundi ang mag relax² lang at inaksaya ang oras sa panonood ng mga asianovelang kanyang laging pantasya. Nakalimutan na rin ni Yangjin ang kanyang mga dapat ipapasa sana sa mga nakaraang araw kaya tuloy may na late siyang project! Dalawang araw na lamang ay magpapasukan na ulit at mask