Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA

Tigilan mo na ako
Pagod na pagod na ako
Ako na nasa isang dulo ng silid
Ako na nawawalan ng pag asa sa gilid

Tama na ayoko na
Hirap na akong kalabanin ang sarili ko
Na alam kung hinding hindi ako mananalo
Dalawang bagay lang ang alam ko, lubid o kutsilyo

Kahit ilang ilaw pa ang ipakabit sa aking kwarto
Wala akong ibang nakikita kundi ang madilim at nakasaradong pinto
Na kahit wasakin mo man alam kung hindi na bubukas 
Dahil lunod na ako at mukhang ito na ang wakas

Pinipilit ko naman para sa taong minamahal
Ngunit mismong sarili ko na ang gumagwa ng bawal
Masaya pa ba ako?
Dahil kung oo di ko gagawin to

Luluha ako na hindi alam ang dahilan
Maraming iniisip at napatulala nalang sa  kawalan
Ano nga ba ang pakiramdam ng nawalan?
Kalungkutan ba ang nararamdaman o kasiyahan?

Hindi ko na alam kung ano ba ang kasiyahan
Dahil kalungkutan lang ang bumabalot sa aking katauhan
Gusto kung humingi ng tulong 
Ngunit di ko maisambit dahil dila ko’y umuorong

May pag-asa pa ba na ang isang tulad kong nakakulong?
Tulungan mokong humanap ng susi 
Isang susi upang ako’y makalaya 
Sa mundong hindi ko alam kung sino ang gumawa

Walang naman akong problema sa pamilya
Masaya din ako sa mga barkada
Kahit bagsak sa skwela ok lang
May guro naman akong nagpapagaan ng loob at sinasabing may next time pa

Sa kabila ng lahat ng ito bakit ako pa?
Ako na ang akala ng lahat ay matapang
Laging nakangiti sa bawat usapan
Wala ba akong tunay na maituturing na kaibigan?

Kapag kadiliman ay bumabalot sa kalangitan
Heto na naman ako, maraming bagay ang ginagawang palaisipan
Kung pipiliin ko pa bang harapin ang umaga
O hahayaan ang sariling huwag nang lumaban pa

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tahanan (tula)