Dalagang Ina (Sanaysay)

Hannah Jean S. Rosalejos 10-Service

May mga isyu sa kabataan ngayon ay ang pagiging Dalagang ina. Ito ang tawag sa mga kababaihang nabuntis sa batang edad. Madalas, masama ang tingin ng maraming tao sa mga dalagang ina dahil sa pagbubuntis nila sa labas ng kasal. Sa murang edad ay kailangan na nilang harapin ang pangungutya ng mga tao. Maraming mga kabataan na hindi nagtapos ng pag-aaral dahil nabuntis sila at sa aking palagay kung bakit sila nabuntis sa maagang edad ay ang hindi sila gaano ka close sa isa’t isa sa kanilang pamilya. Ang maagang pagbubuntis ay posibleng sanhi nang kanilang pagrerebelde o paghingi ng atensyon.

Ang pagiging batang ina ay isang mabigat na responsibilidad na kailangan nila ganapin kahit hindi pa sila handa at pagiging isang magulang sa kanilang sinapupunan. Para sa mga dalagang ina na matapang na hinaharap ang bunga ng kanilang mapusok na damdamin ng mag-isa ito ang ilan sa mga paraan para maging epektibong magulang para sa inyong anak gaaano ka man kabata ang una ay hingin ang lahat ng suporta ng iyong mga magulang at kamag-anak dahil kailangan mo ang lahat ng tulong na puwedeng mong makuha sa kanila. Kung kinakailangang humingi ka ng sorry sa kanila dahil sa di inaasahang pagbubuntis ay gawin mo at ang pangalawa ay pilitan magtapos ng pag-aaral.Hindi dahil nabuntis ka ng maaga at naging ina ay hindi ka na magtatapos ng pag-aaral. Mas mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang anak mo kung may malawak kang nalalaman at kakayahan para maghanap ng trabahong may magandang sahod at benepisyo at ang pangatlo ugaliing magdasal kapag matindi ang pagsubok ng buhay. Alam naman nating lahat na walang imposible sa taong nananalangin. Wag kang susuko dahil ang Diyos ay laging nandyan para tumulong.
Ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, isipin mo na lilipas din ang mga pagsubok.

Ang mahalaga ay lumaking maayos at may takot sa Diyos ang iyong anak. Para saan pa’t ang lahat ng pagsusumikap mo ngayon ay magbubunga rin. Balang araw ay pasasalamatan ka ng iyong anak dahil sa sakripisyo at katapangang pinapakita mo.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA

Bukang Liwayway (Tula)