Ma. Franceschini C. Talicug
Moved on
Naka move on na ako.
Ilang beses ko na bang paulit-ulit na sinasabi ito sa puso ko?
Paulit-ulit, walang katapusan walang kapaguran.
Tinatanggi ko pa ring mahal kita kahit alam kong totoo naman talaga.
Ilang beses ko na ba sinabing tama na?
Ilang beses ko na ba sinabing tapos na?
Ilang beses na nga ba?
Nakakasawa na.
Pero bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin?
Bakit parang walang pinagbago?
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko.
Bakit?! Ano bang meron sayo?
Ano bang meron sayo na di mahanap sa iba?
Ano bang meron sayo na hinahanap- hanap ng aking sistema?
Ano bang ginawa mo sa akin?
Ano ba?!
Pwede ba itigil mo na?
Pwede ba tapusin mo na?
Kasi pagod na pagod na akong lokohin ang sarili!
Pagod na akong lokohin ang sarili sa posibilidad na mahal pa kita!
Pagod na akong maging tanga!
Pagod na akong mahalin ka!
Pero bakit kahit anong gawing iwas?
Bakit parang mas lalo lang hindi nagwawakas?
Siguro nga dahil mahal pa kita.
Hindi ko alam kung paano ito ititigil,
Pero sana naman bumalik at sa huli'y magpaalam.
Para naman mapanatag na pusong ito.
Para naman tumigil na sa kahahanap sayo.
Yun lang ang naiisip kong paraan para makamoved on na ako. SAYO.
Dahil tapos na wala na, hindi na maisasalba pa.
At ayoko na.
Ayoko na talaga.
Pagod na ako.
Sawa na ako.
Lagi na lang ganito.
Wala ng ibang nangyari sa buhay ko.
Kaya...
Kailangan ko na muna siguro hanapin ang sarili ko.
Kailangan ko na muna siguro mahalin ang sarili ko.
Kaya pwede ba? Bumalik ka muna pansamantala.
At magpaalam ng walang iniisip na iba.
At pag natapos ka na magpaalam,
Umiwas ka na, lumayo ka na at wag ng babalik pa.
Palayain mo na ako.
Palayain sa mga sakit na naidulot mo.
:) :)
ReplyDelete