Tula (Para Sa Aking Ama)

Lyka Mae L. Ubalde
Grade 10 Service


Itay, matagal kanang nawala
Simula nung ako ay bata pa
Mahirap man para sa akin
Pero kailangan ko itong tanggapin

Hindi ko naranasan ang pag ibig ng isang Ama
Kasi nawala ka noong akoy isang sanggol pa.
Mahirap man tanggapin ni Ina noong ikaw ay pumanaw na
Labis kaming nalungkot  sa iyong pagkawala

Bakit ka nga ba nawala ng maaga aking Ama?
Hindi mo ba kami iniisip noong ikaw ay buhay pa?
Marami akong tanong sa aking isipan
Sa tuwing ikaw ay napapanaginipan

Hindi ko matiis ang umiyak kapag ikaw ay maalala
Simula ng nawala ka sa ating tahanan aking Ama
Ang hirap itago ang lahat ng sakit
Palaging na sa puso ang binibitbit

Ngayon ikaw ay wala na
Walang hanggang ligaya sa piling ng maylikha
Ang tangi naming dalangin at ninanasa
Mamalagi kang buhay sa aming alaala.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA