Wag sumuko by Stephia Romares

Napapatanong ka na rin ba sa iyong sarili?
Kung bakit ikaw ay parang nangungulila at naiwakli.
Nag-isip ka rin bang kitilin ang iyong sarili dahil pagod ka na at hindi mapakali?
Napapasigaw ka ba sa galit at sinisi sa Panginoon ang lahat ng nangyayari?
Marahil oo, dahil sa iyong pagkalungkot at pagdurusa na nadarama.
Na tila para kang tinutusok at pinapahirapan ng sobra.
Yung tipong ayaw mo na pero sige pa.
Palaging tanong ko sa aking sarili.
Bakit pa ba ako lumalaban kung wala na at alam kong talo kana?

Ngunit inisip mo ba na may iba pang mas nagdurusa? 
May iba pang mas sobra ang pagod na nadarama.
Mga taong hindi pinagpala sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw.
Mga taong nasa kalsada na gutom at nauuhaw.
Iniisip mo ba sila?

Ang pagkitil sa iyong buhay ay hindi solusyon, mas lalo ang pagsisi sa Panginoon.
Siya ay nasa iyong tabi lang at nakatoon ang kanyang atensyon.
Walang sawang nagpasalamat at nagbibigsy sa iyo ng proteksyon.
Ano sasayangin mo lang yun?
Dahil sa walang kwentang rason na para kang nilalason?

Buksan mo ang iyong mata.
At makikita mo ang ganda at kung gaano kaswerte ka.

Mahalin mo ang iyong sarili, ganon rin sa Panginoon.



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA