"MINAMAHAL KUNG INA"- SHEILA MARIE V. REMEGIO
Sabi nila ang ilaw ng tahanan ay ang ina, ina na magmamahal at mag aalaga sa anak.
Yung tipong isusubo nalang ibibigay pa.
Yan ang paniniwala ng marami sa kanila ngunit ang paniniwala ko ay baliktad sa paniniwala ng iba.
Magsisimula ako kung ba't ka nawala, nawala na para bang bula.
Iniwan mo kaming pamilya mo sumama ka sa iba.
Bakit nga ba?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo kami iniwan?
Ang daming tanong sa isipan,mga katanungang ikaw lang ang makakasagot.
Ilang birthday ko na ang lumipas ngunit wala ka pa , ilang medalya na ang sinabit ngunit nasaan ka.
Ilang medalya pa ba ang dapat kong abutin para bumalik at ipagmalaki mo ako ina.
Nagagalit ako pero hindi,hindi pwede kase kahit balibaliktarin mn ang mundo anak mo ako at ina parin kita.
Kahit hindi ko man naranasan na alagaan ng isang ina gusto ko pa ring magpasalamat sa iyo hindi dahil iniwan mo ako kundi dahil iniluwal mo parin ako.
Salamat kase dahil sayo naranasan kong mabuhay sa mundo,
dahil sayo naranasan kong maging masaya kahit wala ka sa tabi ko.
Salamat dahil binuhay niyo ako.
Ilang taon na ang lumipas at unti-unti ng nakakalimutan ang mga panahong iniwan niyo ako.
Sana masaya ka ina,
Sana masaya ka sa piling ng iba,
Sana magkita muli tayo hindi ko man mababalik ang mga panahong magkasama tayo lagi mong tatandaan na mahal kita at ina kita.💜
:) :)
ReplyDelete