Ang Mañana Student by: Rhea Jane Sumile
Ang Mañana Student
May isang batang nagngangalang Yangjin ang walang ganang pumasok sa klase isang araw sapagkat alam niyang sa araw na iyon magsisipag-bigayan ng mga proyekto ang kanyang mga guro. Nagsi-pasa ng mga gawain at proyekto ang kanyang mga guro sa kadahilanang malapit na ang pasko at magbabakasyon na. Marami ang gawain ni Yangjin ngunit hindi siya nabahala sapagkat sigurado siyang sa loob ng sampung araw na bakasyon ay matatapos niya iyon.
Unang araw ng bakasyon ay walang ginawa si Yangjin kundi magpahinga " May klase kahapon kaya pagod ako, hahayaan ko muna ang sarili kong makapagpahinga muna buong araw", sabi niya. Sa mga sumunod na tatlong araw ay wala pa rin siyang ibang ginawa kundi ang mag relax² lang at inaksaya ang oras sa panonood ng mga asianovelang kanyang laging pantasya. Nakalimutan na rin ni Yangjin ang kanyang mga dapat ipapasa sana sa mga nakaraang araw kaya tuloy may na late siyang project! Dalawang araw na lamang ay magpapasukan na ulit at maski isang gawain ay wala pa siyang nagawa o naumpisahan man lang. Nadaanan at nai-celebrate ni Yangjin ang kanyang pasko at bagong taon ng masaya at katuwa-tuwa ngunit napalitan naman agad ang kanyang galak ng takot nang maalalang napakalapit na ng araw ng pasukan ay wala pa rin siyang nagagawang proyekto! " Ano nang gagawin ko?!" sigaw niya sa kaloob-looban niya. Pumasok si Yangjin sa eskwela nang matamlay at puyat sapagkat napakarami ng kanyang mga ginawang proyekto bago siya pumasok sa eskwela. " Dahil sa kakabukas ko, ayan tuloy nagmukha na akong zombie sa stress at pagod! Sa susunod hindi na ako magdedepende sa mga maraming bukas na sinasabi ko kadalasan. Gagawin ko na ang mga bagay na kaya ko pang gawin sa araw mismo na ibinigay ito at magpapasa ng proyekto sa nakatakdang panahon o araw.
Comments
Post a Comment