Umaga na naman (TULA) (by:Kerstein Martinez)

                                                             Umaga Na Naman


Ako'y inaantok pagkamulat ng mga mata
Bagong araw na naman ang magsisimula
Tilaok ng manok aking naririnig 
Parang ginigising ang mga batang antukin.

Hilamos ng mukha o kaya'y paligo ng katawan
Sisipilyo ng ngipin, mabilis na pagkain
Pagbibihis para pumasok, maghihintay ng jeep
Ako'y nananalanging pasuka'y matapos.

SA paaralan, aralin ay nakababagot
Tanging recess lang ang di-nakaantok|
Pagkatapos ay tanghalian na naman
Sulat dito, gaw doon, habulan .tilian, tuksuhan, taguan doon.

Sa aking pag-idlip sa dilim ng aking silid
Dalangin ko'y matapos kaagad ang mahabang gabi
Upang sa muling pagmulat ng aking mga mata
Umaga na naman, araw ay nag-aanyaya
Bagong pakikipagsapalaran sa kinabukasan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)