Tunay na kaibigan 
By:Juliane Patrisse Borgonia 10-service
(TULA )


Ang tunay na kaibigan 
Kailanman ay hindi ka iiwan 
Hindi man magkadugo 
Pero , magkalapit ang puso 

Sa tuwing nasasaktan ang isa 
Nagbibigay ang buong barkada ng pag-asa
Sa tuwing nagkakalayo
humahanap parin ng paraan 
Para ang lahat ng oras 
Ay ilalaan para sa kulitan

Ang tunay na kaibigan ay maasahan 
Ika'y sasamahan sa anumang kagaguhan 
Sa tuwing ikaw ay lumuluha sila ang makakapitan 
Ang tunay na kaibigan ay mabuting impluwensya sa lahat 
Kahit kailan siya rin ay matapat 


Ang tunay na kaibigan hindi nagtataasan ng pride .
Kundi nagtutulungan at nagkakaunawaan
Kahit low at high tide 


Ang tunay na kaibigan nagsasakripisyo
Pero hindi gumagawa ng bisyo 
Higit sa lahat ang tunay na kaibigan 
Ay mapapatawad ka sa anumang kasalanan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA