Tula ni Ginalyn C. Villarojo
"Higit pa sa isang kaibigan"
Alam mo bang nasaktan ako
Nung sinabi mong hanggang kaibigan lang tayo
Akala ko hanggang sa huli sasamahan mo ako
Pero ngayon parang nilalayo mo na ako sa puso mo
Oo sinabi mo na kaibigan lang tayo
Pero bakit ayaw ka pa ring bitawan ng pusong into
Ako ba talaga ang tanga dito
O sadyang hindi mo lang pansin ang nararamdaman ko
Baliw na puso naa umiikot-ikot sa mundo mo
Ah! Oo nga pala, mundong ako lang naaman ang bumuo
Wala ng ibang laman ang puso kong into
Kung di ikaw lang na kaibigan ko
Hindi ko man matanggap ang papel na ito sa buhay mo
Basta't masaya ka kahit na sa piling ng iba
Gusto ko lang malaman mo na mahal kita
At nandito lang ako para sa iyo, oh kaibigan ko!
:) :)
ReplyDelete