TULA ni Alyssa Kenn Marañon
"Mr. Fiction"
Isinulat ni Alyssa Kenn Marañon
Marami kaming humahanga sa'yo,
Ba't ba iba ang mundong tinatayuan mo?
Naging totoo sana ang kapangyarihan ng isang mahika,
Isang paraan para kayo'y aming mayakap at makita.
Sa lugar na tinatawag na imahinasyon,
Kayo'y nabuhay dahil don,
Kayo'y ginawang inspirasyon sa pag-aaral,
Mga karakter na hindi naman katotohan.
Sila'y imahinasyon lamang na binigyan ng buhay
Pero iba ang saya't kilig na kanilang ibinigay.
Ba't ba tayo nasasaktan?
Para tayong batang naagawan ng laruan.
Nakakatawa isipin, nakakalungkot tanggapin at masakit sa damdamin
Na ang taong nagpapatibok sa amin
Isang karakter na mababasa sa isang libro
At mga karakter sa pelikula na makikita nyo.
Di sinasadyang sila'y magustuhan,
Di lang makontrol itong pusong sugatan.
Mas mabuti pang magmahal ng isang karakter na hindi naman katotohan
Kaysa sa isang totoong taong hindi ka naman pinapahalagahan.
Sila'y naiiba sa lahat
Kasi sila'y nakatira sa isang aklat.
Salamat sa mga sayang iyong dala,
Na kahit hindi kayo totoo, nakapagbigay kayo ng ligaya.
Mundo man nati'y magkaiba,
Sa isip ko'y ika'y aking kasama.
Mga karakter na aming kinagigiliwan,
Kayo'y mananatili sa aming puso't isipan.
Darating ang panahon na kami'y tatanda,
Salamat sa pagkompleto ng aming kabataan
Di man namin kayo makikita
PANGAKO, kayo'y hindi namin malilimutan.
:) :)
ReplyDelete