“Tanong” by: Julie Ann G. Prak

Tanong
Isinulat ni: Julie Ann G. Prak 

Nahihilo, bakit puro ikot tayo? 
Nawawala sa daang dati naman ay alam mo 
Lumiliko, nag-aalangan ba mga hakbang mo? 
Bakit parang naiba direksyon ng puso mo? 

Nalilito, ano ba dapat isipin ko? 
Isang tanong, dumadami at lumalabo 
Nagtataka, bakit tila may nagbago? 
Dapat pabang maghintay o tumigil nalamg ako? 

Bumabagal, nahihirapamg tumakbo
Bumibigat ang damdaming dati ay sigurado 
Dapat bang bilisan upang malaman ang sagot mo? 
Dahil di ko na alam kung anung meron pa tayo 

Naiinip, pero patuloy na mag-aabang sa pagdatimg mo 
Naghihintay ng linaw sa mga sagot mong kay labo 
Nasasaktan, napapagod narin ang puso
Pwede bang sabihin mo, ikaw parin ba at ako? 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA