Tanggapin mo kung ano ka! ( Kiana Avril S. Mancao)
Tanggapin mo kung ano ka!
Meron siyang balat na aakalain mong anak ng banyaga
Ako parang isang taon nakadilag sa lawa
Meron siyang makapal at magagandang pilikmata
Ang akin mas tuwid pa sa nasagasaang lata
Meron siyang maliit na beywang na maipagmamalaki mo nino
Ang akin ipinagpala sa taba dahil kinakain kahit ano
Meron siyang makintab at magandang buhok
Ang akin parang isang bruha na nakatira sa bundok
Matangkad siya na parang isang higante
Ako mas maliit pa sa duwende
Ang kanyang makinis na mukha na palaging nasa derma
Akin napuno sa tagyawat,aakalain mong ilang taon dinedma
Pero sumusumpa ako na lahat ng ito ay natural
Walang halong ni katiting na kemikal
Pero hindi ako naiingit, bakit?
Dahil ang pagiging maganda ay hindi nasusukat sa pagiging kaakit akit.
Dapat mong tanggapin kung ano ka
Dapat mong tanggapin kung anong meron ka
Ipagmalaki mo kung ano ka
Dahil ang mga imperpeksyon ay isang regalo mula sa kanya.
:) :)
ReplyDelete