🌐 - Sirao Garden 📆 - October 30, 2017 ⌚ - 12:00pm


🌐 - Sirao Garden
📆 - October 30, 2017
⌚ - 12:00pm

                                                    
Ako lamang ang nag-iisang anak ng aking ina at ama. Ang pamumuhay namin bilang isang pamilya ay napakagulo mula sa ako ay nasa sinapupunan pa hanggang sa ako ay lumaki na. Bilang isang mag-aaral, paminsan minsan ako ay naiinggit sa aking mga kaklase, tawanan dito, gala doon at sabay pa silang mag simba kasama ang pamilya samantalang ako naghihintay kung sino ang aking makasama. Sa 1buwan hindi mawawala ang pananakit ng aking ama sa amin, wala akong magawa kung hindi iiyak lang at sa 15 taon ko na kasama ko ang aking pamilya, ako ay nasanay na sa pananakit ng aking ama. Noong isang araw ako at ang aking pamilya ay pumunta sa Sirao Garden. Ang Sirao Garden ay ang lugar na hindi ko makakalimutan, ito ay napupuno ng mga magagandang bulaklak na ang litrato na nasa ibabaw nito ang pinakaunang litrato namin bilang isang pamilya. Ang litrato ay binubuo ng matatamis na ngiti kung saan lahat ng problema o ang mga masasakit na nangyari ay parang nawala na. At sa Sirao Garden, meron rin akong natutunan sa mga bulaklak kung saan ito rin ay sumisimbolo sa mga iba't ibang pamumuhay ng tao sa kanilang mga pamilya. "Hindi lahat ng tao ay may perpektong pamilya", gaya rin ng mga bulaklak hindi lahat nito ay magaganda ngunit kung ikaw ay magsisikap na mag-alaga nito at hindi ka susuko sa problema ng iyong pamilya gaganda at makakaahon rin tayo sa ating problema. At sa panghuli, marami pang mga bulaklak na hindi magaganda tsaka ito pa nga ay may matindi na problema kesa sa ating pamilya kaya ang lahat lamang nito ay pawang pagsubok lamang , pagsubok na humahalili sa ating katatagan mula sa ating pamilya at lalong lalo na sa tiwala natin sa  ating Panginoon.

By : Jeralyn Conde

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA