"Sansinukob"

Mga bagay sa sansinukob
Ay may nakapaloob
Na gustong malaman
Ngunit sekreto'y iniingat-ingatan.

Planeta na kay dami-dami
Lahat ay katangi-tangi,
Ngunit isa lang ang napili
Ang Earth ang ligtas at pinakamabuti.

Buwan na nag-iisa
Sa ating planeta,
Maraming mukha
Ngunit mapang-akit naman sa mga mata.

Tala na kay ganda
Kumikislap sa mga mata,
Animo'y nagsasalita
Na dapat ikaw ay masaya.

Araw na hindi malapitan,
Dahil sa init na tinataglay
Ito'y ninanais na mapuntahan
Kapahamakan naman ang naghihintay.

Kalawakan na may buhay
Ay ninanais ng panganay
Na ito'y makita pang muli
Sa kanyang huling sandali.




Uribe, Jakathra Daisy Lene L.
10-Service

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)