Sa iyong paglisan ( TULA)

Olivar , Ma. Georgia Kziel  - 10 SERVICE


Ikaw ang kasama ni ina sa pag aaruga sa akin
 nung ako'y bata pa
Ikaw ang sa akin ay kumakampi
 kapag ako'y napapagalitan ni mama
Ikaw ang nagtulak sa akin sa pagkanta
kaya sa bawat bidyokehan tayo ang magkasama
Ikaw rin ang nagturo sa akin tumugtog ng piano
na dahil dito may alam akong patugtugin na isang instrumento
Ikaw rin ang nag aalaga sa tuwing ako'y may lagnat tapos
sesermonan mo ako na bakit di ko nag iingat
Ikaw ang nagpakilala sa akin kina "beauty and madness" o sa
mga lumang kanta kumbaga
Ang sarap balikan ng iilan sa magagandang alaala noon
Kaya ba di ko kaya ang kabaliktaran
ng magagandang alaala na yun ngayon?

Di ko inasahan
Ika'y biglang lumisan
Ika'y nagpaalam
at di kita napigilan
Bakit nga ba kailangan mo pang umalis?
Isa sa mga tanong na sa akin ay di maalis

Sa iyong paglisan
namimiss ko bawat alaala na ika'y aking kasama
Nung nalaman kong may bago ka na
di maintindihan kirot sa pso na nadama
di mawawala ang iyak
Ikaw ang unang tao na sa aking puso ay nagbiyak

Sa iyong paglisan
Ika'y hinahanap kung saan
Sabi mo ika'y babalik
ngunit kailan pa?
Oo, ika'y sumusuporta sa akin sa
pamamagitan ng pera
Ngunit di mo ba alam na ang aking tanging kaligayahan
ay iyong presensiya?

Sa iyong paglisan
Hindi ko naisip na di ka na babalik ni minsan
Ako naman ay sanay sa paghihintay
Maiintindihan ko ang rason mo ng hinay hinay

Isang taon
parang kahapon
maaari bang bumalik kana at gumawa ng
panibagong alaala gaya ng noon
O baka naman hati na ang iyong atensyon?\

Mahal kong ama
Miss na kita
Maghihintay ako
Sana diyan sa bago mo
hindi ka na lumisan


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)