Reane Tarongoy- Isang dedikasyon para sa aking minamahal na bangtan

BTS tatlong letra, isang salita ang makakadipena
Isang grupong maraming tagahanga
Dahil sa mga talentong taglay at ipinakita
May pitong miyembrong tinitiliian
Dahil sa taglay nilang kagwapuhan
Si V na galing sa ibang planeta
Si Jungkook na ilong 👃🏻 Lagi ang nakikita
Si Suga na singputi ng harina
Si Jin na mahinhin pa sa dalaga
Si Rapmon na singbilis ng makina
Si Jimin na pandak sa paningin nila
Si Johope na kabayo daw sabi ng iba tssk
Sila ang pitong miyembro ng tatlong letrang nasa simula
Grupong napaka sikat buong bansa
Bunga ng kanilang sipag at tiyaga
Pag laan ng patak ng dugo't pawis para umangat
Ngunit sa pag lipas ng panahon
kayo'y hindi na uuso
Kayo'y laos na sa mundong ito
Kulubot na ang balat nyo
Ngunit ang magandang alaala na dulot nyo ay mananatili sa aming mga mundo
Kayo'y aming inspirasyon salamat sa pagganap ng parte sa aming mga puso
Asahan nyo na ang ARMY ay matatag hanggang dulo
Hanggang sa huling comeback na aming aabangan
Hanggang sa huling MV na aming masilayan
At sa takdang panahon ng inyong pag lisan
Asahan ARMY ay luhaan
Dala ng sakit dulot ng inyong pag disband
Subalit lungkot ay lilipas
Ngiti sa aming mga labi ay masisilayan
Dahil ang grupong aming minahal ay hindi lalaho ng tuluyan
Dahil kayo'y mananatili sa aming puso't isipan

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA