PRINSIPE🤴
Kristyn Kyra O. Dabon
10- SERVICE
10- SERVICE
"PRINSIPE"
Ikaw ang aking prinsipe,
Pero hindi naman ako ang prinsesang lagi mong katabi.
Ikaw na ay naging isang hari,
Dito sa puso ko kahit isa man lang kunwari.
Oh prinsipe! Hanggang kailan pa ba kita pagsisilbihan,
Pagsisilbihan ng pagmamahal na kailan ma'y hindi mo pinapahalagahan.
Hanggang kailan pa ba ako manatili sa iyong tagiliran,
Kung ibang prinsesa lang naman ang nasa iyong puso't isipan.
Ay! Ang pag-ibig nga naman!
Nagdadala ng sakit pero minsan nama'y kasiyahan.
Kulang nalang pati buhay ko ay ilalaan!
Mabuhay at ligtas lang ang taong nagbibigay saakin ng kaligayahan.
Sabihin mo lang, na hindi mo ako mahal,
Dahil tatanggapin ko naman yan.
Sabihin mo lang! Sabihin mo lang,
Para hindi na ko aasa kailan paman.
Masakit man sa damdamin,
Pero yun yung realidad na dapat kong tanggapin.
Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ba ako maninilbihan sa iyong munting palasyo,
Kasi kahit kailan hindi mo naman sinabi na pwedeng ako ang prinsesang nakalaan sayo.
:) :)
ReplyDelete