Joana Jane Degino
“Paglimot mo”
Sa iyong mga mata
Makikita na wala akong halaga,
Bawat minuto’y iniisip ka
Kahit sa panaginip nandoon ka
Mga alaala’y bumabalik sa tuwing ikay masilayan,
Kagandahan ko ay iyong sinayang
Hindi malimot- limot ang iyong mga sinabi
Sa akin ay nagpa iyak ng marami
Puso ko’y umaasa,
Na sana naman bigyan mo ng halaga
Wag mo naman akong KALIMUTAN
Dahil Hindi ako sanay MAIWAN
Sayo ko lang kase nadarama ang mga ito
Dahil minsan lang ako magmahal ng totoo
At sa tao pang katulad mo
Na walang paki sa nararamdaman ko
Sa paglipas ng panahon
Natuto akong mahinahon
At unti-unting bumabangon
Isang sulyap ko lang sayo’y naalala ko ang mga alaala na pilit kong ibinabaon.
:) :)
ReplyDelete