Christy Marie Malinao
10 Service



Nagsimula sa magkaibigan
At nauwi sa pag iibigan
Na hindi malaman ang dahilan
Kung bakit ika'y  nagustuhan

Palaging kinakabahan
Pag ikaw ay laging nandyan
Kailangan na bang mag tapat ng pag iibigan?
O ang nadarama ko ba ay itago na lang?
Para di mawasak ang ating pagsasamahan


Ano pipiliin ko?
Puso ko ba?
o ang aking isipan?
Pagmamahal ko ba o ang ating pagkakaibigan?


Simula ng tayo ay nagmahalan
Alam kong ikaw na ang aking kailangan
Sa puso kong ubod ng Kalungkutan
Na inakala kong di na maiibsan

Lungkot na laging nararamdaman
Ay napalitan ng kasiyahan
Hiling ko itoy walang hangganan
Ating binuong pagsasamahan

Kaya pangako'y ating paninindigan
Ang pagmamahalan na walang iwanan
Para maganda ang kinalalabasan
At di na maulit ang sakit ng nakaraan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)