Nag iisa sa Sarili Kong Mundo

By: Angela Mae Ofianga

Di ko na kaya ang mga sinasabi nila
Kaya naglakad ako at biglang nawala
Napagtanto kong nasa sarili kong mundo na pala ako
At doon ko nakita na mas masaya pala ang buhay
Kapag nakakulong ka lang sa sarili mong mundo

Mga salitang binibitawan nila
Umiiyak buong gabi ng mag isa
Walang nag tatanong kung ‘okay lang ba’
Walang may pake kung mamamatay ka na

Kaya nagkulong ako sa sarili kong mundo

Doon...
Doon ko nararamdaman ang tunay na saya
Doon ko nararanasan na tumawa
Doon ko napagtanto na hindi ako nararapat sa tunay na mundo

Ang mundong puno ng mapanghusga na tao
Ang mundong puno ng matang nagmamasid sayo
Wala kang karapatan gumawa ng ikasasaya mo
Wala kang magagawa kundi itago ang tunay mong pagkatao

Wala namang problema sa pagiging mapag isa
Wala namang masama doon
Masyado lang tayong mapanghusga ngayon

Mas masaya ang mabuhay sa sarili mong mundo
Walang huhusga sayo
Walang magmamasid sayo
Magagawa mo ang ikasasaya mo
Hindi mo na kailangan itago ang tunay mong pagkatao

Mahalin mo ang sarili mo
Sapagkat ikaw lang ang makakagawa nito
Sa mundong puno ng kasinungalingan
Alam mo ang katotohanan

Kung gusto mong makatikim ng tunay na saya

Ikulong mo ang sarili sa sariling mundong inilikha.




Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA