Masaya pero masakit (spoken Poetry)

Masaya pero masakit
By : Shynalyn Pelayo

Isang araw ika'y aking nakita
Ika'y nakangiti na parang walang problema
Sayaw ka ng sayaw
Ako'y nabighani mo na pala
Ang galing mong sumayaw
Ang ganda mo sa mata

Simula ng ika'y makita
Hindi ka na mawala sa aking isipan
Parang sirang plaka na pabalik - balik sa utak ko
ang mga swabe mong galawan
Ano bang ginawa mo sa akin?
Bakit ako nagkaganito?
Sandali lang kita nakita
pero ako'y may gusto na sa'yo

Ang sakit pala isipin na
Hanggang sulyap lang ako
Hindi ka malapitan
Ang puso ko'y puno ng takot at pangamba
Na baka pag umamin ako sa'yo
Imbes na maglapit tayo
Baka mas lumayo ka

Masaya pero masakit
Ika'y nakangiti pero hindi ako ang dahilan ng pagngiti mo
Masaya pero masakit
Ikaw ay nagmamahal pero hindi ako ang mahal mo
Masaya pero masakit
Ikaw ay ganado sumayaw pero hindi ako ang insperasyon mo
Masaya pero masakit
Nalalapitan ka ng iba pero ako hindi man lang makalapit sa'yo
Masaya pero masakit
Ngayon, ikaw ang mahal ko pero baka bukas iba na ang tinitibok ng puso ko\

Sana maging masaya ka sa kanya
Sana maging matatag kayo
Sana kayo hanggang dulo
Masaya pero masakit
Ito ang hiling ko para sa'yo

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA