Marestella Tajanlangit 10-service
"Lihim Na Nararamdaman"
Salitang diko kayang isatinig,
Sisikaping isulat at isatitik,
Bukas na isipan ang kailangan,
Upang puso koy mapakinggan.
Magsisimula sa araw na ika'y unang nasilayan,
Mga ngiting aking nagustuhan,
Mga mata kay sarap titigan,
At ang labi mo'y kay sarap halikan.
Ika'y nilapitan at nagkakilanlan,
Nagturingang magkaibigan,
Nagkalapit ang kalooban,
At di namalayang ika'y aking nagustuhan.
Aking naramdaman ay isinantabi,
Para hindi mailang kapag ika'y katabi,
Mga kaibigan nating nakahalat na,
Pero yang puso mo'y manhid pa.
Alam nila na akoy kinikilig,
Sa mga ngiti mong kaibig-ibig,
Alam nila kung paano ako tumitig,
Na para bang sayo ay umiibig.
Diko sinabi ang nararamdaman,
Dahil takot ako'y iyong layuan,
Pero kapag nalaman mo na,
Sana ako din ay iyong magustuhan
Aking sinta.
:) :)
ReplyDelete