Lou Marie S. Alterado
10- Service
“Ina”
Tatlong letra,
Isang salita,
Halo-halong emosyon ang nadarama.
Magsimula tayo nung ika’y isinilang,
diba’t siya’y tinawag mong magulang?
Ang babaeng nagkarga sayo ng siyam na buwan,
kahit mabigat, ika’y pinanatili sa sinapupunan.
Tanging hiling niya’y iyong kaligtasan,
kahit kapalit man nito’y kaniyang kamatayan.
Sa araw na ika’y ipinanganak,
kamay ng iyong ama ay kanyang hawak-hawak.
Pinipigilang marinig ang bawat pag-iyak,
at dinarasal na sana’y hindi ka mapahamak.
Paglabas mo katumbas ay kasiyahan,
kamay ng iyong ama ay unti-unting niyang binitiwan.
Bago pumikit, ika’y kanyang hinagkan,
kasabay nito ay ang iyong pagtahan.
Paghinga niya ay unti-unting humihina,
tibok ng puso niya’y dahan-dahang nawawala.
Kasiyaha’y biglang naglaho na parang bula.
‘Bakit kay sakit ng naging desisyon mo, O tadhana?!’
Mga yakap at halik niya’y hindi mo na mararanasan,
pintig ng puso niya’y hindi mo na mapakikinggan.
Hinihiling na sana’y muling masilayan,
mga ngiti niyang lagi mong napapanaginipan.
“Kompleto pamilya mo? Ang swerte mo!”
Ang mga salitang ibinibigkas ng mga labi mo.
Kasabay ng pagsikip ng iyong puso,
ay ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Gustuhin mang ibalik ang nagdaan,
siya’y makita’t mahagkan,
maranasang sa pagtulog ay kakantahan,
ngunit ang kaniyang alaala nalang ang siyang naiwan.
Pagsakripisyo ng isang ina,
para sa ikabubuti ng kaniyang anak.
Pagkamatay ng isang ina,
para sa ikabubuhay ng kaniyang anak.
Pagmamahal ng isang ina,
kayang gawin lahat para sa kanyang anak.

:) :)
ReplyDelete