KINABUKASAN ni Lynnie Mae Unabia
Kabataan, tayo raw ang Pag-asa ng Bayan. Tayo raw ang maghahatid
sa kanya sa langit ng Kasaganaan at Karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng
kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi
sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong
paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan
ay siyang pagkakatandaan. huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating
pag-aaral ngayong at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang
magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayong sa ating
pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas
makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag
nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig
sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, Wala rin sa
pagpag ng dila. ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
:) :)
ReplyDelete