"Kahirapan sa Pilipinas"

Rica Mae T. Orlanda
       10-service

Ang kahirapan ang isa sa mga 
mabibigat na problema ng ating bansa. 
Madalas nating sisihin ang maling 
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, 
pero sila nga ba ang may kasalanan o 
tayong mga Pilipino na tamad?

Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas 
ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin 
naman ang mga taong nagsasabi 
nasa gobyerno ang pagkakamali. 
Sinasabi ng karamihan, kaya sila 
naghihirap ay sa kadahilanang wala 
silang trabaho, pero ang totoo, 
maraming trabahong nakalaan, mapili 
lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi 
rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa 
nilang maupo na lang sa isang tabi 
at manghingi ng limos kaysa 
magpakapagod sa napakabigat na 
trabaho at kumita ng isang daang piso 
sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, 
pinapakita lang natin na tayo ay tamad, 
pinakadahilan ng kahirapan.


Kung pinag-aaral lamang sila ng 
kanilang magulang, malamang ay 
magkakaroon sila ng magandang 
kinabukasan. Bumabalik nanaman dito 
ang kadahilanang wala silang trabaho, 
pero may mga programa ang ating 
pamahalaan, maging ang local, para sa 
libreng pag-aaral, pero mukhang hindi 
nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung 
bakit hindi sila nakaka-pagaral, at 
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno

.Ang katotohanan ay tayo mismo ang 
dahilan ng ating paghihirap, tayong mga 
mamamayan ng bansa natin. Kung 
sisimulan natin ang pagbabago sa sarili 
natin, malamang ay mababagao rin 
natin ang antas ng ating pamumuhay, 
pinuno ka man o simpleng mamamayan 
ay dapat magbago para sa ikauunlad 
nating lahat.

.






Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)