Ika-tatlo ng Mayo

Ika-tatlo ng Mayo

ni Chrissalyn Cañete



Enero, Pebrero, Marso
Mga buwan na kalungkuta'y hawak ako sa braso,
Ngunit pilit kong nilabanan;
Kahit gusto ko nang sukuan.

Abril ng taon,
Ako'y hindi parin nakabangon
mula sa mapait na kahapon,
Ngunit pilit akong bumangon.

Ika-tatlo ng Mayo,
Ang araw na tayo ay ipinagtagpo;
Tayo'y ipinaglapit ng kalawakan,
na para bang wala nang hangganan.

Hunyo, Hulyo, Agosto,
Setyembre, Oktubre, Nobyembre,
Mga buwan na puno nang ligawan;
Nag-uumapaw sa kulitan at kasiyahan.

Disyembre
Aba! Hindi ko akalain na ika'y mananatili;
Tadhana na ewan ko ba kung ano ang plano,
simula noong ika-tatlo ng Mayo.

Isa, dalawa, tatlo
pangako ko sa'yo na hindi ako lalayo;
at salamat dahil dumating ka sa buhay ko
noong ika-tatlo ng Mayo.

Salamat dahil ikaw ay nanatili,
Salamat dahil ako iyong pinili,
Ako'y nahulog sa'yo,
simula noong ika-tatlo ng Mayo.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA