Gumawa Parin Ng Kabutihan by; Rainnila Aratea

"Gumawa Parin Ng Kabutihan"
by; Rainnila Aratea

Alam kong maraming tao ang palaging mabibigo sa akin at ako in ay palaging mabibigo sa kanila,
ngunit ako ay natutong magtiwala sa aking nag-iisang tunay kaibigan na hindi kailanman magbabago.
Si Jesu-Cristo ang tanging kaibigan na lubos kong pinagkakatiwalaan.
Nakita niya ang lahat ng aking mga kabiguan at sa kabila nito
ibinigay parin niya ang kanyang buhay para sa akin.
Binigyan niya ako ng malinis na talaan at isang bagong pang-unawa sa buhay.
Kung wala ang kanyang lakas,
impossible para sa akin na maipasa ang bawat sitwasyon sa tinatawag na buhay.

May mga taong katulad ng mga gulong -
hindi sila gagana maliban kung sila ay hihimukin.
May mga taong katulad ng mga trailers -
kailangan pa silang hilahin.
May mga taong katulad ng mga saranggola -
palaging nasa itaas ng kasama ang hangin at kung hindi mo lalagyan ng string, lilipad sila ng napakalayo.
May mga taong katulad ng mga bangka -
kailangan pang i-paddle.
May mga taong katulad ng mga footballs -
hindi mo malalaman kung saan sila pupunta kapag ito'y sipain.
May mga taong katulad ng mga lobo -
hinihipan, ngunit di mo kailanman malalaman kailan sasabog.
May mga taong katulad ng sabog na gulong -
kailangan silang ayusin at lagyan ng hangin ulit.
May mga taong katulad ng magagandang relo -
purong ginto, pagbukas - nakatingin, palaging nasa oras, maaasahan,
abala ngunit tahimik lamang at puno ng mabubuting gawa.

Makakasalubong at makakakita ka ng iba't ibang tao na may iba't ibang mga paniniwala na may iba't ibang trabaho.
Sa gayon, hindi madali para sa mga tao na makisama sa isa't isa.
Iba' ibang personalidad.
Iba't ibang character.
Paano ka makikitungo sa bawat isa?

Ang mga tao ay hindi makatwiran, hindi makatotohanan at makasarili.
IBIGIN MO PARIN SILA.
Kung gagawa ka ng kabutihan, at aakusahan kang may tinatagong agenda.
GUMAWA PARIN NG KABUTIHAN.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA