"Dating Tayo"
Ni: Rosalie Fernandez



Ito na naman ako
Babalikan ang mga alaalang ikaw ang kasama ko
Masasayang sandali na ikaw ang nasa tabi ko
Magagandang araw na hawak ko ang kamay mo
Alam kung iisipin ng iba
Na sinasaktan ko lang ang sarili ko
Pero masisisi ba nila ako
Kung alam kung ikaw pa rin ang mahal ko
Mga ngiting abot hanggang tenga
Kumikinang na mga mata
Mahihigpit na yakap
Pangakong sabay na tutuparin ang mga pangarap
Pero hindi pala
Hindi pala ako ang magpapangiti sayo na abot hanggang tenga 
Hindi pala ako ang magpapakinang ng iyong mga mata
Hindi pala ako ang gusto mong bigyan ng mahigpit mong yakap
At hindi pala ako ang kasama mong tutuparin ang iyong mga pangarap
Dahil dumating siya
Siya na mas nagpasaya sayo
Siya na mas naramdaman ang pagmamahal mo
At ako?
Wala lang pala ako sa mundo niyo
Bahagi lang ako ng nakaraan mo 
Na hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako
Na hindi ko alam kung may halaga ba ako sayo
Kasi nga dumating siya
Dumating siya
Nakilala mo siya
Iniwan mo ko at mas pinili mo siya
Pero hindi ito ang gusto kung ipunto 
Kundi yung dating tayo
Yung dating tayo na masaya 
Yung dating tayo na wala pang pumapagitna sa ating dalawa 
Dating tayo na masayang nagkukulitan tuwing magkasama 
Dating tayo na laging magkahawak ang kamay
Dating tayo na nagsumpaang magmamahalan habambuhay
Hindi ko pinapaalala sayo
Ako ang may gusto na maalala ang mga ito
Dahil alam kung balewala na lang sayo lahat
Alam kung kailanman hindi ako sayo magiging sapat
Pero sana kahit paano maalala mo
Na naging parte rin ako ng nakaraan mo
Na naging bahagi ka ng buhay ko
Na ikaw ang nagbigay ng kulay sa madilim kung mundo
Alam ko namang masaya ka na
Alam ko namang nakalimot ka na 
Pero sana...
Kahit sa ganitong paraan lang maiparamdam ko sayo
Na namimiss ko na yung DATING TAYO...

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA