“Dakila”(tula) ni Nikka Obor


       “Dakila”
    ni Nikka Obor

Taong Ikadalawampung libo’t labing walo,
Nagmarka ang mga kabataang uhaw sa pag-asa,
Gaya ng pagmamarka ng mga duguang linya sa kanilang braso at pulso —
Na kalaunan ay ginawang basehan kung paano sila itrato at itukso.

Mga suot na salitang ginagawang pangdepensa
Sa mga matutulis na husga na tila ba mga bala.
Hayaan mo,lilipas ang ulan at ang espadang nakatarak,
Ay maghihilom at babangon ka sa iyong pagkawasak.

Humakbang sa hinaharap at unawain ang bigat ng nararamdam
Pero kailanman,wa’g kalimutan ang nakalipas at nakaraan.
Magbabago man ang lahat ng sistema
At ang lahat ng tao man ay maging mapanghusga,
Ang totoong mga dakila ay ang mga taong walang natatapakang dignidad ng iba.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)