"Buhay"








"Buhay"
ni Kyra Kathlyn Ceballos



Ating buhay minsan may batid na problema
Mga daang tinatahak hindi alam saan papunta,
Mga desisyon hindi malaman kung tama ba,
Mga solusyon sa suliranin hindi alam kung makakaya.


Kailangan kung lumipad na parang ibon
Para makamtan ang aking panaginip,
Kaya lumabas ako sa aking kahon
Ng sa gano'y tumalas ang aking isip.


Edukasyo'y aking naging instrumento,
Gantimapala'y aking naging inspirasyon,
Upang pangarap ay hindi maging bato
At ang hirap ng pamilya'y maiahon.


Kaya nating lagpasan bawat bakong daraanan
Sapagkat tayo ay nilalang ng Maykapal sa mistulang dahilan,
Sa buhay dalawa lang ang kailangan marunong makuntento
At may matinong trabaho.












Comments

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)