shenna mae borbajo

                                          KAHIRAPAN

Suliraning kahirapan sa bayan kailan masulusyonan
Ng ating bayang kinalakihan na sadlak sa kahirapan
Kahirapang nadadanas ng batang nanglilimos sa daan
Mga batang gutom ang tiyan at uhaw sa buhay karangyaan

Buhay karangyaan na pangarap ng pamilyang nasa daan
Mga batang nangarap makapag-aral para punan ang kaalaman
Kaalamang natutuhan ng kabataan sa paaralan
Batang kaawa-awa na walang pambayad sa paaralan

Batang nakipagsapalaran dahil sa buhay kahirapan
Batang inalipin sa mga taong na sadlak sa kayamanan
Mayayamang madadamot at nagkukurupt ng pera sa bayan
Nasaan na ang hustiya sa mga taong nahihirapan
Pangarap na magandang kinabukasan sa ating mamamayan


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA