Ating kapalaran. isang spoken word poetry by:Alexandrea A. Ife
"Ating kapalaran"
Kapalaran ay ating tanggapin
Tadhana ay wag kalabanin
Isang buwan na ang nakaraan
ng ating sabay na sinambit ang salitang paalam
Hindi ko alam kung ano ang dahilan
Nagkulang ba ako? Nagsobra ba ako?
kaya iyong pinagsawaan
sinubukan kong lumaban,pero ikaw?
ayun nagpabaya lang
Hanggang sa lumipas ang mga araw at buwan
noong dumating sa puntong
ako naman ang nakaramdam ng kapaguran
at ikaw naman ang nagpupumilit lumaban
"Mahal ayusin natin to"
mga salotang palaging bumabagabag sa aking isipan
ikaw ba ay aking pagbibigyan o hahayaan nalang?
Hanggang sa aking napagdesisyonan
na itigil na tong kalokohan
Hindi ko na nais pang muling pagdaanan
ang hirap at sakit na iyong pinaramdam
Maaring sa mga oras na ito
tayong dalawa ay nalilito
sa kaniyang mga plano
ngunit mas mabuti yata kung hayaan at sabayan
nalang natin ito
At wag ng makipaglaban
sa takbo ng kapalaran
Kapalaran ay ating tanggapin
tadhana ay wag kalabanin
:) :)
ReplyDelete