Ang Pagwawangis at Pagtutulad ko Sayo


Tila'y isang talang di maabot-abot,
Isang regalo sa paskong balot na balot.
Mundong hindi mapigil sa pag-ikot 
Parang bubuyog na hindi mahagip sa sobrang likot.
Kasing init ng araw,
Na sa aki'y nagpapauhaw, 
Katangi-tanging buwan,
Na nagpapaliwanag sa sansinukuban.
Ikaw, na tila ba'y ipinagbawal ng langit
Na akin man lang makamit.
Isang nakakahabag na bahaghari,
Na aking pinakamimithi,
At nagbibigay ng kulay sa natatangi kong buhay.
Kasing lamig ng panggabing hangin.
Aking nararamdaman ngunit hindi sa paningin.
Sa langit, napakaraming ulap,
Nakikita ngunit hindi nayayakap.
Kasing ganda ng huni ng ibong adarna.
Iba't ibang emosyon sa damdamin ay nadarama.
Ngunit tulad parin ng mga bituin,
Sa bintanang pu-pwedeng silipin.
Ngunit iisa parin ang ibig sabihin
Kahit kailan ma'y hindi mapapasaakin.
Ika'y aking ikinumpara,
Sa mga magagandang bagay na nakikita ng aking mga mata.
Dahil ito lang ang alam kong paraan
Upang maipahiwatig ang aking nararamdaman.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Depresyon / spoken poetry by: RYLEN SARZA