Aking Prinsipe (tula) isinulat ni Princess Crystal Maurin

     "Aking Prinsipe"

Nais Ko sanang ipakilala sa inyo
Ang taong walang ibang ginawa kundi ang mag mahal ng totoo
Ang taong gagawin ang lahat para sa pamilya
Kahit nasasaktan na siya ng sobra
Ang lalaking pinakamalapit sa aking puso
Siya ang nagbigay samin ng pag-asa na huwag sumuko
Ang lalaking nagbibigay samin ng saya
Na para bang wala na siyang pinoporoblema.
Ang lalaking mamahalin ka ng lubos
Na tatanggapin ka kahit pera mo'y ubos
Pagsasabihan ka kapag ikaw ay mali
Pero handang tumulong kapag ikaw ay sawi
Siya ang aking nag-iisang prinsipe
Na kahit kailan ay hindi nawala sa aking tabi
Handa kang tulungan sa panahong ika'y nangangailanan
Isang tawag lang dadating siya kahit saan kahit kailan
Hindi niya ipinapakita na siya'y nasasaktan
Dahil alam niyang siya ang aming inaasahan
Aalagaan ka niya higit sa kaniyang makakaya
Na walang ibang hininging kapalit bukod sa ikaw ay sumaya

Kaya ngayon na siya naman ang nangangailangan
Ako'y nandito lang at handa syang tulungan
Gagawin ang lahat upang siya'y hindi na masaktan
Dahil ako'y nahihirapan kapag nakikita siyang luhaan
Loob ko'y pinipilit ko lakasan
Dahil alam kong kahit anong pagsubok ay kaya niyang labanan
Hindi niya gustong makitang ako'y umiiyak
Kaya linalabanan ang sariling huwag lumuha't umiyak
Ngunit hindi ko matiis na huwag tumulo ang aking luha minsan
Mabuti nalang may kaibigan akong handa akong damayan
Gumaling siya'y ang aking dinadasal
Dahil miss ko na ang kakulitan at mukha niyang sobrang kapal
Sana'y sa pagsasamahan namin ay walang magbago
Dahil siya lang ang nag-iisang prinsipe sa buhay ko
Ang lalaking hinding-hindi ako iiwan ng mag-isa
Ituturing akong parang tunay na prinsesa
Hindi man siya kagwapuhan sa paningin ng iba
Sa puso ko'y walang papantay sa kaniya sinuman sa kanila
Siya'y ang aking kapatid na si Prince Jervic Maurin
Ang nag-iisang prinsipe ng hindi kabaitang si Princess Crystal Maurin.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dalagang Ina (Sanaysay)

Tula (Para Sa Aking Ama)

Tahanan (tula)